Monday, April 21, 2008

Mensahe mula sa Taga Pangulo

Mensahe Mula sa Taga-Pangulo
Marso 2008

Nagbalik tanaw kami noon ika-16 ng Pebuero, kung saan, tinalakay namin muli and misyon at bisyon ng ating kooperatiba sa tulong na ating kasapi, Ms. Lotlot Ortiz-Luis.

Binalikan namin saglit ang nakaraan nating 12 taon, noong tayo ay nag-umpisang mag koopereyt, mag sama-sama, mag-tatag ng isang kooperatiba. Ngayong mayroon tayong isang samahan na ating pinakikinabangan. Bagkus mayroon tayong dinaraanang mga problema, mas marami naman ang pakinabang at nakinabang. Ang sabi sa Ingles: “It is hard to argue against success”. Mahirap makipagtalo sa tagumpay.

Ang samahan natin ay nagbigay buhay na ngayon ay mayroon kayang buhay. Sabi ng pamagat ng isang alkat, “Beyond Survival” ang ating kooperatiba ay magkakaroon ng mas mahabang buhay kaysa sa atin lahat na maipamamana natin sa ating mga anak, mga apo, anak ng ating apo.

Sa akin paniwala, ang ating tagumpay ay unang una sa lahat dahil sa pahintulot at kagustuhan ng ating Panginoon. Salamat sa Diyos! Ang pangalawa ay dahil sa 4 na mga sumusunod:

1. Mahusay na paghuhubog ng patakaran ng ating mga direktor.
(proper governance),

2. Dahil sa isang systema ng ating pagpapatakbo, isang operasiyon ng
nagbibigay disciplina,

3. Mahusay na organisasyon na pinamumunuan ni Dante Molabola na
kasama tayong lahat sa isang tinatawag nating “team” na mayroon
“team work”,

4. Dahil sa pagtangkilik ng ating mga kasapi.

Alam natin na ang ating samahan ay naiiba sapagka’t tayo ang sarili nating kapitalista, tayo ang tumatangkilik sa ating kooperatiba, tayo ang nag bibigay ng kita, tayo ang nakikinabang sa atin serbisyo at tayo rin ang nakikinabang sa ating kinikita. Alam nating lahat na ang salapi na ating pina-iikot ikot at mula rin sa atin.

Sa ibang samahan, ang pangkaraniwan ay: Iba ang kapitalista, tayo ang tumatangkilik at dahil dito, tayo ang nagbibigay ng kita. Para nga sa atin ang serbisyo subalit nagpupunta naman sa iba ang kita.

Ang tagumpay nating nakaraan ay maaaring pa natin paghusayan sa temang: “Isang maayos na serbisyo at ‘accountable’ na pamamalakad.” “Accountable” sa pagkukuwenta na hindi nakakauwi ang “staff” hangang hindi balansiyado ang libro. “Accountable” sa “proper governance” (maayos na pamamalakad) na kung saan, ang mga direktor na hindi nag-iisip at gumagawa ng bagay para sa kanilang pang sariling kapakanan, kundi para sa kapakanang at kabutihan ang mas nakararaming mga kasapi. Alam natin, sa ano mang samahan, hindi lahat ay maaaring sumangayon. Ang kapakanan ng nakararami ay ang tukoy ng maayos na pamamalakad, (proper governance).

Tayo ay isa sa mga solusyon na hinahanap ng pamahalaan at ng mga dalubhasa sa pagunlad ng ating kababayan at ng ating ekonomiya. Kaya tayo ay patuloy na maging matatag na isang “micro finance” na mayroon kaibahan na nabangit ko nga kanina, isang matagumpay na “micro finance” na ari-arian natin lahat, mga kasapi na siyang rin nakikinabang hindi lang sa pangungutang kundi sa kita ng pinaguutangan, ang ating ‘SMDS Multipurpose Cooperative’. Mabuhay tayong lahat !

No comments: